Mga Singgit sa Akong Lapis

Sinulog

27/01/2012 14:49

 

Matingkad ang saya sa mga lansangan

Na sa makukulay na parada’y dinaraanan

Hindi alintana ang init ng araw o ulan

Tuloy-tuloy ang sayawan, galak at tugtugan

 

Ngiti ng bawat mukha ang makikita

Sa sayaw iniaalay ang pasasalamat

Sa bawat indak dala ang isang pag-asa

Ang dasal sana’y dinggin at ipagpapala

 

Walang pagod ang nararamdaman

Bawat luha ng ligaya, puso ang pinagmulan

Sadyang batubalani ang angkin Mo’ng kalooban

Sto. Niño, binihag Mo ang sangkatauhan!

 

(written for school requirement of Junrie Ceballos)

 

Search site

Contact